Saturday, December 19, 2009

mayroon bang batayan ang pagiging kabatak ni Hesus?



ika-19 ng disyembre taong kasalukuyan,ika-4 ng hapon,harap ng st.raymund of penafort...

nasa isang kumpulan ang mga ilang kabataan ng simbahan. natanaw ko sila habang ako ay papasok ng simbahan. sa aking pagkasabik,ninais ko silang mahagkan, makahuntahan at maku-musta...
ngunit, nagulat ako sa sinabi ng isa, "ate, may sinasabi si_____", "ano yun?",aking tanong...nagulat ako sa kaniyang sagot, "PYM ka daw ba,bakit di ka daw nia nakikita?tinanong nia din yun ke ______(limot ko ang ngalang binaggit)"...

nagulat ako sa tanong,napaisip ako ng malalim, "ilang buwan ba akong nawala,bakit di ko nabalitaang may batayan na pala ang pagiging kabatak ni Kristo"? sa totoo lang, masakit ang mga salitang sa kanilang labi ay namutawi, hindi lang dahil sa "offensement" na naranasan ko,kundi sa kawalan pala ng silbi ng mga activities na nagawa sa panahon namin.

masakit isiping, lahat ng bagay nagbabago, ngunit mas-masakit tanggaping, walang pagbabagong naganap sa mga kabataang meron ngayon ang lipunan. ilang taon kong pinaglaban ang parish youth ministry saking pamilya, maraming taon akong tumakas, nagsinungaling at pinilit na makatulong sa ibang kabataan para sa kanilang mala-Kristyanong pamumuhay...

nangyari kahapon,nais kong isiping,mukhang nasayang ang lahat ng ginawa ko,ginawa ng mga ate at kuya ko para sa ibang kabataan ng simabahan. tila,hindi nila napagtatanto na ang paninilbihan ke Hesus ay hindi nasusukat sa pagsisimba parati, pagtambay sa simbahan o sa pagtira sa seminaryo. ang TUNAY na paninilbihan/PAGMAMAHAL kay Hesus ay sa pamamagitan ng pag-gawa ng mabuti, pagmamahal sa kapwa at hindi sa pangungutya,ito rin ay tunay na paninilbihan kung kahit nasa malaYo ka ay sinusubukan mong baguhin ang mundo sa pamamgitan ng pagpapahayag ng mga ginawa ni Hesus para sa buong mundo.

masyado ng magulo ang mundo, nawa'y maisip nating mga kabataan na HINDI TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN AT SIMBAHAN,KUNDI TAYO AY MAAASAHAN...

ilang buwan akong nawala sa sirkulasyon, ngunit alam ng mga ate at kuya ang dahilan...nawa sa pagbalik naming mga nawala ng matagal, madama namin ang mga bagay na pinadama namin sa iba nung sila rin ay nawala...

No comments:

Post a Comment